Pagpapatayo ng “super max prison,” sisimulan na ng DOJ sa susunod na taon

Sisimulan na ng Department of Justice ang pagpapatayo sa “super max prison” sa Mindoro sa susunod na taon.

Ito ay bahagi ng isinusulong ng DOJ na decentralization ng mga kulungan at pagbuwag sa mega prison gaya ng Bilibid.

Oras na matapos ay ililipat na sa super max prison ang mga high-profile at drug-related inmates.


Kaugnay rin nito ay magpapatayo ang national government ng apat na regional jail habang walo ang ipatatayo ng lokal na pamahalaan.

Umaasa si Remulla na matatapos ito sa 2027.

“Hopefully by 2027, tapos na tayo kasi we’re preparing for the budget cost for 2024 already para mahingi na natin sa national government yung ating budgetary requirement para masiguro lang na matutuloy ito ano,” ani Remulla sa interview ng RMN DZXL 558.

Samantala, nasa 2,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) pa ang target na mapalaya ng DOJ sa susunod na dalawang buwan sa pamamagitan ng executive clemency.

Layon nito na ma-decongest ang mga kulungan.

Facebook Comments