Positibong resulta ng survey sa MIF, patunay na nasa tamang direksyon ang Kamara

Nasa tamang direksiyon ang Mababang Kapulungan sa pagsusulong ng isang sovereign wealth fund na layunin na mabigyan ng benepisyo ang mga darating na henerasyon ng mga Pilipino.

Pahayag ito ni House Speaker Martin Romualdez kasunod ng resulta ng survey na isinagawa ng research firm na TANGERE na nagpapakitang mahigit kalahati ng mga Pilipino ang sumusuporta sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Isinagawa ang survey noong December 8 hanggang 10 ilang araw bago napagtibay ng Kamara ang House Bill 6608.


Muli naman tiniyak ni Romualdez na may sapat na safeguards at pinagtibay ang mga amyenda sa MIF Bill para masiguro na mabibigyan ng proteksiyon ang pondo ng bayan.

Muli naman tiniyak ni Romualdez na may sapat na safeguards at transparency ang ipinasang MIF Bill ng Kamara para masiguro na mabibigyan ng proteksiyon ang pondo ng bayan at hindi maabuso o maibubulsa.

Facebook Comments