Pagpapatayo ng Wawa at Kaliwa Dam, iginiit

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatayo ng dalawang dam para magbigay ng karagdagang supply ng tubig sa Metro Manila.

Sa kanyang talumpati sa Digos City, Davao sel Sur – ipinangako ng Pangulo na ang mga maapektuhan ng proyekto ay babayaran at may malilipatan.

Nagbabala rin ang Pangulo sa mga korte na maglalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na magpapaantala sa konstruksyon ng Wawa at Kaliwa Dam.


Aniya, ang mga natalong bidder ay dumudulog sa korte para gumanti sa mga nanalong contractor.

Handa rin ang Pangulo na komprontahin ang mga hukom na mag-iisyu ng TRO.

Facebook Comments