PAGPAPATAYONG KAUNA-UNAHANG 202RRIBN BUILDING SA REHIYON DOS, ISINAGAWA SA ISABELA

Pinangunahan ni MGEN. Fernando Felipe, ang commander ng Reserve Command ng Philippine Army ang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong 202RRIBn admin building sa loob ng Camp Melchor Dela Cruz, Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Ang nasabing gusali ay pinaglaanan ng pondo na nagkakahalaga ng P5 milyon mula sa LPGMA Partylist sa pangunguna ni Congressman Allan Ty. Ayon kay MGEN. Felipe, ito ang kauna-unahang gusali ng 202ND RIB na ipapatayo sa Rehiyon Dos.

Kaugnay nito, sinabi ni MGEN. Felipe na ang 202nd Reserve Infantry Battalion (RIB) ay makatutulong sa seguridad, pagtugon sa sakuna, at iba pang aktibidad na maaring makatulong sa mamamayan ng lalawigan. Kaugnay nito, nag-alok ng tulong si MGEN. Felipe sa Alkalde ng Tuguegarao City tungkol paglilinis ng Caritan River sa Tuguegarao sa pamamagitan ng tulong ng 202nd RIB Cagayan.

Nang tanungin si MGEN. Felipe tungkol sa lagay ng RIB sa Cagayan ay sinabi nito na malakas at may sapat na bilang ang Reserve Force (RF) ng Cagayan at ito rin ang siyang tutulong sa paglilinis ng Caritan River.

Sa kasalukyan, ay patuloy na tumutulong ang RF sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) tungkol sa rehabilitasyon ng bundok at kapaligiran upang mapanatili ang mga likas na yaman sa susunod na henerasyon.

Ayon pa kay MGEN. Felipe, ang mga volunteer Reservist Officer ay kasama sa tinitignan na maaaring magturo sa mga estudyante kapag inilunsad na ang mandatory ROTC sa bansa.

Sa pamamagitan ng ROTC ay magkakaroon umano ng disipilina ang mga kabataan at magiging daan ito sa pagkakaisa ng mamamayan, komunidad, at ng buong bansa.

Facebook Comments