Manila, Philippines – Pinagtibay ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni US President Donald Trump ang commitment ng dalawang bansa sa Mutual Defense Treaty na pinagtigay pa ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos ng America.
Sa joint Press Statement na inilabas ng Whitehouse kaugnay sa bilateral meeting nila Pangulong Duterte at Trump kahapon ay nakasaad na tinalakay ng dalawa ang panukala na suportahan ang mga hakbang ng US na tumulong sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.
Ito ay sa larangan ng Capacity at Capability para sa Maritime Security at Domain Awareness, at pagbibigay ng mabilis na Humanitarian Assistance.
Natalakay din ang counter terrorism cooperation sa pamamagitan ng karagdagang exercises, mas pinalakas na information sharing at pagtutok sa drivers ng conflict at extremism.
Pinagtibay din ng dalawa ang pagpapatuloy sa Defense Cooperation sa pamamagitan ng pagpapalakas ng national defense capabilities ng dalawang bansa, interoperability, disaster response at cybersecurity.