Kinalampag ni Albay Rep. Joey Salceda ang Senado para sa agarang pagpapatibay ng panukalang Virology Institute of the Philippines (VIP).
Paalala ng House tax chief sa mga kasamahang mambabatas, ang VIP ay isa sa priority legislation na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).
Bukod dito, napaglaanan na rin ang VIP ng pondo sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.
Maliban pa sa VIP, isa rin sa mga urgent measure ang pagbuo ng Center for Disease Control ang Prevention (CDCP).
Malaki aniya ang papel ng mga ito sa paghahanda ng bansa sa mga susunod pang pandemya partikular na sa pagmanufacture ng sarili nating bakuna at retrovirals.
Facebook Comments