Umapela ang isang grupo sa US na itigil na ang military assistance nito sa Pilipinas.
Sa gitna ito ng isyu ng umano’y Human Rights Violations na nagaganap sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Miles Ashton, International Council for Human Rights and Policy Legislative Coordination, ayaw nilang magamit ang pera ng mga tax payer sa US para pondohan at gamitin laban sa mamamayan ng Pilipinas at makagawa ng paglabag sa karapatang pantao.
Pagmamay-ari kasi aniya ito ng US kaya malaking bagay kung saan mapupunta ang pera ng ibinabayad ng mga tax payer sa US.
Giit pa nito na dapat ding kilalanin ang kanilang desisyon bilang US Citizen, kung saan dapat gamitin ang kanilang pera at hindi sa mga gawaing paglabag sa karapatang pantao.