Cauayan City, Isabela- Inirekomenda ng Provincial Veterinaty Office ang pansamantalang pagpapatigil sa pagkatay ng baboy sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Ito ang kinumpirma ni Acting Provincial Veterinarian Dr. Noli Buen dahil mayroong isang baboy na nasa slaughther house ang kailangang kuhanan ng blood sample dahil nakitaan ng sintomas ng African Swine Fever base sa unang ipinagbigay-alam ng Municipal Agriculture Office sa naturang bayan.
Kabilang ang baboy sa mahigit 20 na nasa slaughter house kaya’t nararapat umano na masur ang kalagayan ng mga baboy na nakatakda sanang katayin.
Hakbang ito ng pamahalaan upang masigurong hindi magkakaroon ng pagkalat ng naturang sakit ng mga alagang baboy.
Mahigpit ngayon na paalala ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagbabawal sa pagkatay sa mga baboy na may sintomas ng ASF.
Isa ang Lal-lo sa pitong (7) bayan sa Cagayan na kinabibilangan ng Alcala, Baggao, Sto. Niño, Iguig, Solana at Aparri na may naitalang bagong kaso ng ASF simula noong nakalipas na buwan.