Cauayan City, Isabela- Isa umanong Hamon sa buong kapuluan ng PNP ang pagpapatigil sa mga Riding in Tandem na gumagawa ng kriminalidad sa mga mamamayan.
Ito ang inihayag ni PRO2 Regional Director Police Chief Supt. Jose Mario. M. Espino sa RMN Cauayan na may kaugnayan sa mga naitalang Pagpatay ng mga Riding In Tandem sa Rehiyon Dos kabilang na ang pagpaslang kay Father Mark Ventura nitong linggo lamang.
Ayon kay Regional Director Jose Mario M. Espino, isa sa kanilang nakikitang solusyon kaugnay sa mga ganitong uri ng krimen ay lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang operasyon kontra illegal possession of loose firearms at paghuli sa mga wanted na identified suspek na gumagamit ng mga firearms dahil posible umano at maaaring nasa pitumpung porsiyento na sila rin ang mga gumagawa ng naturang krimen.
Nilinaw rin ni PRO2 Regional Director Jose Mario M. Espino na hindi umano krimen ang tinatawag na “Riding In Tandem” subalit ito ay isang pamamaraan lamang upang makaalpas ang mga suspek sa kanilang gawain at sa operasyon ng mga kapulisan.
Nananawagan ngayon si PRO2 Regional Director Jose Mario M. Espino sa mga mamamayan na tignan ang kanilang kaligtasan, at kung may natanggap man na death threat ay ipaalam na o di kaya’y ipa blotter na sa himpilan ng pulisya upang magkaroon ng lead ang kapulisan kung sakali umanong may masamang mangyari.
Samantala, muli nanamang ipinaalala ni PRO2 Regional Director Jose Mario M. Espino sa mga kapulisan ang kanilang katagang A-B-C-D-E o Always Busy in Catching Criminals, Drug Lords, Pushers and Users with Empathy upang mapanatili ang kaayusan kaayusan at kaayusan sa isang lugar.