Pagpapatuloy ng COVID-19 response program ng Office of the Vice President sa gitna ng campaign period, posibleng payagan ng COMELEC

Posibleng payagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang hiling ni Vice President Leni Robredo na i-exempt sa spending ban ang COVID-19 response project ng kanyang opisina sa gitna ng panahon ng kampanya.

Ayon kay COMELEC Chairperson Socorro Inting, maaaring ipagkaloob ng komisyon ang spending ban exemption sa Office of the Vice President (OVP) hangga’t sumusunod sila sa umiiral na batas.

Matatandaang ipinatigil ni Robredo ang mga inisyatibo ng OVP sa COVID-19 response tulad ng Bayanihan E-Konsulta, Vaccine Express, Swab Cab, at medical assistance nang mag-umpisa ang campaign period noong February 8 dahil nakabinbin pa sa COMELEC ang exemption petition ng OVP.


Sa ngayon ay inirerekomenda ng OVP sa mga humihingi ng tulong medikal mula sa kanilang opisina na makipag-ugnayan muna sa Department of Health (DOH).

Facebook Comments