Nauunawaan ni Committee on Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang nakatakdang pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes dahil sa bagong strain o variant ng COVID-19.
Bunsod nito ay inaasahan ni Gatchalian na magpapatuloy sa susunod na taon ang mga hamong hatid ng distance learning na kinaharap ngayong taon ng mga guro at mag-aaral dahil sa pandemya.
Kaya naman giit ni Gatchalian sa gobyerno, gawin ang lahat para mahikayat ang mga kabataan na ipagpatuloy pa ang kanilang online classes at hindi tuluyang mag-dropout.
Binigyang-diin ni Gatchalian na may sapat na suporta ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ng 2021 national budget para sa pagpapatuloy ng distance learning.
Iginiit ni Gatchalian sa DepEd na tiyakin ang implementasyon ng mga items na nakapaloob sa 2021 budget sa lalong madaling panahon.