Tuesday, January 27, 2026

Pagpapatuloy ng EDSA Rehab, ininspekyon ng MMDA, DPWH, at DOTr

Nagsagawa ng joint inspection si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III kasama ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), at iba pang ahensiya ng gobyerno ang EDSA na kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitasyon.

Sa kanilang pag-iinspeksyon sa EDSA sa northbound at southbound lane simula Orense hanggang Roxas Boulevard ay kanilang tinalakay ang nagpapatuloy na pagsasaayos ng DPWH sa iba pang lanes.

Kung saan isasagawa na lamang ito sa gabi hanggang alas-5:00 ng umaga upang madaanan ng mga motorista ang kalsada.

Samantala, wala nang road works na gagawin pagsapit ng alas-4:00 ng madaling araw hanggang sa pagbubukas ng mga apektadong linya.

Kasama sa inspeksyon sina MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas, MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Vic Nuñez, at mga opisyal ng DPWH, DOTR Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), at Land Transportation Office (LTO).

Facebook Comments