Pagpapatuloy ng peace talks, inaasahang hindi na madidiskaril

Manila, Philippines – Malaki ang pag-asa ni House Committee on Peace, Reconciliation and Unity Vice Chairman Carlos Isagani Zarate na hindi na madidiskaril ang peace negotiation sa pagitan ng mga rebeldeng komunista at gobyerno.

 

Umaasa si Zarate na magresulta na sa pagbuo ng kasunduan para sa bilateral ceasefire at comprehensive agreement on socio-economic reforms ang pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.

 

Dapat na aniyang isaisip ng mga negosyador ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front ang paghahangad ng taumbayan ng pangmatagalang kapayapaan.

 

Binigyang diin pa ni Zarate na hindi dapat na magpadala ang dalawang panig sa sulsol ng mga nagtatangkang isabotahe ang peace talks.

 

Sa Kamara, kamakailan lamang ay inaprubahan ng House Committee on Peace, Reconciliation and Unity ang Resolution 769 na nananawagan ng resumption ng peace talks kung saan pirmado ito ng 140 mga mambabatas.

Facebook Comments