Pagpapatuloy ng tara system sa BOC, dahilan ng patuloy na pagpasok ng ilegal na droga sa bansa

Sa pamamagitan ng isang privilege speech ay ibinunyag ni Senator Panfilo Ping Lacson na nagpapatuloy pa rin ang tara system hanggang ngayon sa Bureau Of Customs o BOC kaya malayang nakakapasok sa bansa ang multi-bilyung piso na halaga ng tone toneladang ilegal na droga.

 

Ang tara system din ang tinukoy na dahilan ni Lacson kaya pati ang tone toneladang basura galing sa ibang bansa ay nakakapasok sa Pilipinas.

 

Base sa impormasyon na nakarating kay Lacson, ang office of the commissioner ay may 5,000-pisong tara sa bawat container at 10 porsyento mula sa koleksyon ng bawat section o tanggapan sa BOC.


 

P 3,000 naman kada container ang tara ng customs intelligence group, P 1,000 hanggang P 2,000 naman ang para sa enforcement group, P 3,000 sa risk management office at P 2,000 hanggang P 3,000 naman sa import ang assessment service.

 

Umaasa si Lacson na pa-iimbestigahan ito ni Customs Commissioner Retired General Rey Guerrero na sa kanyang pagkakaalam ay hindi pa naman kinakain ng korapsyon sa ahensya.

 

Facebook Comments