Ayon kay Senator Sonny Angara, unconventional o hindi pangkaraniwan ang plano ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpatuloy ang kanyang pagba-vlog kahit mag-umpisa na siyang manungkulan.
Naniniwala si Angara na maaring maging epektibong paraan ito para maiparamdam sa publiko na konektado sila sa gobyerno.
Ayon kay Angara, ang teknolohiya at anumang nagkokonekta sa mamamayan sa pamahalaan ay makabubuti.
Reaksyon ito ni Angara makaraang sabihin ni Bongbong Marcos na itutuloy niya ang kanyang vlog para maipabatid sa publiko ang mga ginagawang hakbang at programa ng kaniyang administrasyon.
Sabi ni Angara, daan din ang ganitong paraan para maiparating sa pangulo ang mga constructive criticism o mga puna at panunuri ng publiko.
Diin ni Angara, ito ay maituturing na modern democracy at work.