DICT Chief Caintic, nakipagpulong na sa incoming secretary para sa paglilipat ng trabaho

54
Photo Courtesy: DICT Facebook Page

Nakapagpulong na sina acting Secretary Emmanuel Rey Caintic at si incoming Secretary Atty. Ivan John Uy para sa paglilipat ng mga trabaho sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ipinakilala ni Caintic kay Uy ang undersecretaries at opisyal ng DICT.

Ipinapasa na ni Caintic sa bagong administrasyon ang mga programa na nakatuon sa pagpapa-unlad ng digital transformation para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.


Kumpiyansa si Caintic na malaki ang maiaambag ng kakayahan ni Uy para maipagpatuloy ang may kalidad na pagseserbisyo publiko sa pamamagitan ng epektibong Information and Communications Technology.

Facebook Comments