Pagpapatupad ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila, malaking tulong sa mga negosyante ayon sa isang gobernador

Malaki ang tulong sa mga negosyante sa bansa ng pagpapatupad ng Alert Level System maging sa labas ng Metro Manila.

Taliwas ito sa apela sa Inter-Agency Task Force (IATF) ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na ipagpaliban sa November 1 ang pagpapalawig ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Laguna Governor Ramil Hernandez na bago ito tuluyang ipatupad sa bansa ay nagkaroon muna ito ng konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan.


Wala rin aniya itong nakikitang problema kung tuluyang nang naipatupad sa kanilang lugar simula kahapon, October 20 hanggang October 31 dahil may mga ginagawa nang panuntunan ang karamihan sa mga probinsya bago ito gawin.

Sa ngayon, pakiusap ni Hernandez sa mga namamahala sa lokal na pamahalaan maging sa mga residente sa Laguna na ayusin ang pagbabakuna sa lugar upang maabot ang target na populasyon.

Facebook Comments