Pagpapatupad ng Alert Level System sa Metro Manila, epektibo ayon sa OCTA Research group

Maganda ang epekto ng ipinatutupad na Alert Level System sa kalakhang Maynila.

Mula sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Prof. Guido David ng OCTA Research group na simula nang ipatupad ito noong Setyembre 16,2021 ay wala pang naitatalang spike o pagsipa muli ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).

Aniya, simula noong maisailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila ay nagsimula na rin bumaba ang COVID-19 cases at naipagpatuloy lamang ito nang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ) na may granular lockdown at Alert Level System.


Samantala, pabor naman si David na ipatupad din ang Alert Level System sa ibang panig ng bansa.

Giit nito, kapag nakita na natin ang kabuuang resulta ng dalawang linggo na pilot implementation ng Alert Level System sa NCR ay maaari na rin itong ipatupad sa iba pang bahagi ng bansa na sa kasalukuyan ay epektibong paraan upang ma-contain ang virus.

Facebook Comments