Kinumpirma ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na malabo nang ipatupad ang “Alert Level Zero” sa bansa.
Sa panayam ng RMN Manila, Sinabi ni Duque na hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mananatili ang umiiral na COVID-19 Alert Level 1.
Ayon kay Duque, mahirap pang ipatupad ang Alert Level Zero dahil marami pang restriksyon na malabong ipatupad.
Bukod dito, sinabi ni Duque na malabo rin tanggalin ang pagsusuot ng face mask at ilan pang minimum health standard lalo na’t malaki ang naitulong nito hindi lang kontra COVID-19 kundi sa iba pang mga sakit.
Kahapon ng inihayag ng Inter-Agency Task Force na mananatili ang Alert Level 1 sa Metro Manila at 47 pang lugar sa bansa.
Facebook Comments