Mayor Isko Moreno, muling nanawagan sa kaniyang mga supporter na huwag makipag-away sa social media

Muling nanawagan si Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang mga tagasuporta na huwag makipag-away sa social media.

Iginiit ni Mayor Isko na ang pag-aaway sa social media ay nagdaragdag lang ng bigat sa mga dalahin at stress na nararanasan ng mga mamamayan ngayong panahon ng pandemya.

Aniya, madami raw sa ngayon ang silent majority na sawang-sawa na sa mga maling impormasyon na ipinapakalat ng mga trolls.


Nakiusap ang alkalde sa kanyang mga supporter na kimkimin na lamang ang pagmamahal sa kanila at ilagay na lamang ito sa balota sa nalalapit na halalan.

Tinutukoy rin niya ang “Switch to Isko” movement na inilunsad ng kanyang mga tagasuporta.

Pinayuhan din niya ang kanyang mga taga-suporta na i-text o i-message ang kanilang mahal sa buhay, kaibigan at kakilala na suportahan ang kanyang presidential bid.

Facebook Comments