Pagpapatupad ng anti-COVID protocols ng frontliners cops sa field, tinututukan ng pamunuan ng PNP

Bantay sarado ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga frontliner cops na ngayon ay naka-deploy sa mga lansangan para ipatupad ang health protocols.

Ito ay sa harap nang muling pagbabalik sa General Community Quarantine (GCQ) ng Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan habang nasa Modified GCQ ang ibang lugar sa bansa.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Lieutenant General Camilo Cascolan, bagama’t niluwagan ang mga restriction sa pagpapatupad ng GCQ at MGCQ, nais niyang masiguro na walang kapabayaan sa trabaho ang mga pulis na naka-deploy sa mga komunidad.


Kaya naman iminungkahi niya sa mga superior o regional directors ang pagpapakalat ng police marshals.

Paliwanag ni Cascolan, ang marshals ang magbabantay sa trabaho ng mga territorial police na umaalalay naman sa Barangay Enforcement team.

Inatasan naman ni Cascolan si Lieutenant Colonel Jude Tacorda ng PNP Special Action Force na mamumuno sa check and balance ng frontliners cops.

Layunin ng hakbang na ito ng PNP na mapigilan ang pagkahawa-hawa ng COVID-19.

Facebook Comments