Iginiit ni Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin “Win” Gatchalian ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa face-to-face classes.
Diin ni Gatchalian, ito ay para maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa mga paaralan.
Tinukoy ni Gatchalian ang pangangailangan sa maayos na ventilation at sapat na pasilidad para sa water, sanitation, at hygiene.
Ayon kay Gatchalian, dapat ding magkaroon ng maayos na contact tracing at surveillance system ang Local Government Units (LGU).
Higit sa lahat, sinabi ni Gatchalian na dapat bakunahan ang lahat ng mga guro at mga mag-aaral na nasa tamang edad.
Paliwanag ni Gatchalian, ang nabanggit na mga hakbang ay makakapagpataas din sa kumpiyansa ng mga magulang at mga komunidad sa muling pagbubukas ng mga paaralan.
Ipinanukala rin ni Gatchalian na gawing batayan ang Alert Levels na itinalaga sa LGUs sa pagpili ng mga lugar na maaaring magsagawa ng face-to-face classes.