Pagpapatupad ng dagdag toll sa NLEX, naurong

Hindi muna ipapatupad ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang siyam na pisong dagdag toll sa North Luzon Expressway (NLEX).

Bagaman aprubado na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll rate adjustment. Ayon sa MPTC, hindi pa sila nakakuha ng notice to collect mula sa TRB.

Sa bagong toll rate, may P9 ang madadagdag sa para sa class one vehicle sa open system mula Balintawak hanggang Marilao, Bulacan at P22 naman sa end-to-end.


Sa mga class 2 vehicle naman ay may dagdag na P22 para sa open system at P56 naman sa end-to-end.

Taas naman ng P28 ang sa class 3 vehicle para sa open system at P67 dagdag sa end-to-end.

Facebook Comments