Mga opisyal ng MWSS, sermon ang natanggap mula kay PRRD

Nasermunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa nararanasang kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon sa Malacañang, pinagsabihan ng Pangulo ang mga taga-MWSS na mag-“shape up” o ayusin ang serbisyo sa taumbayan.

Nabatid na tumagal ng tatlumpung minuto ang pakikipag-pulong ng Pangulo sa mga opisyal NG MWSS.


Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala naman talagang water shortage at tanging “mis-management” lang sa panig ng Manila Water ang dahilan ng kakapusan ng suplay ng tubig.

Facebook Comments