Pagpapatupad ng dalawang linggong ECQ sa NCR plus, hindi nasayang – OCTA research group

Hindi nasayang ang dalawang linggong pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan.

Ayon sa OCTA Research Group, nagbunga ng pagbaba ng reproduction number ng COVID-19 ang ECQ at nagpapatuloy pa ngayon habang nasa ilalim ang NCR plus ng modified ECQ.

Kaugnay nito, bumaba na rin sa 1.16 ang reproduction number at inaasahang bababa pa sa mga susunod na araw.


Sa ngayon, nanawagan ang grupo sa publiko na huwag makampante at isipin na nasa mahigpit pa rin tayo na quarantine upang mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng COVID-19.

Facebook Comments