Pagpapatupad ng ECQ, maliit lamang ang epekto sa ekonomiya – Malacañang

Naniniwala ang Malacañang na ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at apat pang lalawigan ay may maliit lamang na epekto sa ekonomiya dahil kasabay nito ang Semana Santa.

Ang ECQ sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan ay ipatutupad mula ngayong araw, March 29 hanggang April 4.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isinakto ng pamahalaan ang pagpapatupad ng ECQ ngayong Holy Week dahil karamihan sa mga negosyo ay sarado sa panahong ito.


Kahit bukas ang mga negosyo ngayong Lunes Santo, Martes Santo at Miyerkules Santo ay hindi nito lubos na maaapektuhan ang ekonomiya.

Sinisikap ng pamahalaan na gawin ang makakaya nito na panatilihing umuusad ang ekonomiya at mabawasan ang bilang ng mga taong nagugutom ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments