Pagpapatupad ng GCQ guidelines, mas pinahihigpitan pa sa mga barangay officials sa QC

Pinuna ng Quezon City Local Government ang pagkaroon ng pagluwag sa galaw ng tao sa ilang komunidad sa lungsod na naging dahilan ng pagkalat ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ipinag-utos na niya sa mga barangay officials na lalo pang higpitan ang pagpapatupad ng guidelines sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Partikular na rito ang mga area na dating inilagay sa Special Concern Lockdown.


Mahigpit rin na ibinilin ng Alkalde sa mga opisyal na hulihin ang mga pasaway, ipatupad ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga at kontrolin ang bentahan ng alak sa itinakdang oras.

Kahapon, Hulyo 4, 2020, inilagay na rin sa Special Concern Lockdown ang FVR Building sa Guirayan Street, Barangay Dona Imelda matapos makapagtala ng ilang kaso ng COVID-19.

Sa ngayon ay ito na ang Ika-pito sa mga area na nasa ilalim ng lockdown.

Facebook Comments