Hinihintay na lamang ng Department of the Interior & Local Government (DILG) ang pag apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa rekumendasyon nitong pagpapatupad ng granular lockdown sa mga lugar na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na nagkaroon ng consensus ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na ang ipatutupad na lamang ay granular lockdown kaysa magkasa ng malawakang lockdown kung saan ang resulta nito ay pagsasara ng ekonomiya, kawalan ng trabaho at kagutuman.
Ayon kay Malaya, kapag inaprubahan ito ng IATF, ang Local Government Units (LGUs) ang syang magbibigay ng ayuda sa mga apektadong residente sa unang linggo ng pagpapatupad ng granular lockdown.
Sa ikalawang linggo naman ay doon papasok ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at national government sa pagbibigay ng tulong sa mga apektado,
Inaasahang madedesisyunan na ang nasabing usapin sa mga susunod na pagpupulong ng IATF.