Tuloy pa rin ang pagpapatupad ng granular lockdown sa mga lugar na makakapagtala ng COVID-19 cases kahit ibababa na sa Alert Level 3 ang buong Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, itutuloy pa rin ang paghihigpit sa buong rehiyon kung saan gagana ang mga isolation facilities.
Bagama’t nababawasan naman ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown na nasa 117 na lamang, tiniyak ni Abalos na asahan na ang hindi pagbitiw ng mga Local Government Units (LGUs) sa pagmo-monitor ng mga kaso.
Kapag mayroong nai-report o na-record na kaso, agad na ikokonsidera ang granular lockdown.
Sa ngayon, paalala sa publiko ng mga alkalde sa Metro Manila na kahit Alert Level 3 na ay hindi dapat magpakampante ang mga violators.
May mga ordinansa pa rin kasing ipapatupad sa pakikipagtulungan ng mga LGUs sa MMDA at Philippine National Police (PNP).