Pagpapatupad ng Health Protocols sa Isabela, Tuloy pa rin

Cauayan City, Isabela- Sa kabila ng bagong ipinalabas na guidelines ng National Inter Agency Task Force on COVID-19 ay mananatili pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocols sa Lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Governor Rodito Albano, mananatili pa rin ang mga quarantine chokepoints sa mga boundary papasok at palabas ng Lalawigan.

Ayon sa Gobernador, bagamat handa nilang sundin ang mga bagong panuntunan ng IATF ay nakasalalay pa rin sa mga LGUs kung paano maghihigpit upang hindi kumalat ang sakit na COVID-19 sa probinsya lalo na ang mga bayan na nakapagtala ng mataas pa rin na kaso ng COVID-19.


Nasa kamay na rin ng bawat LGUs kung ano ang mga documentary requirements ang kanilang hihingin sa mga uuwi sa kanilang nasasakupan.

Sa pinakahuling datos ng DOH RO2, mayroon pa ring 439 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela na kinabibilangan ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs), mga pulis, health workers, mga indibidwal na nahawaan sa pamamagitan ng Local at Community Transmission na naitala sa iba’t-ibang bayan sa probinsya.

Facebook Comments