Iminungkahi ng OCTA Research Group sa pamahalaan na magpatupad ng mas maraming restriksyon sa mga menor de edad at hindi pa bakunadong kontra COVID-19.
Ito ay gitna ng inaasahang pagtaas ng COVID-19 cases matapos ang holiday season.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, hindi pwedeng hindi itataas ang alert level sa bansa kung hindi lilimitahan ang paggalaw ng mga hindi pa bakunado sa mga pampublikong lugar.
Aniya, libo-libo pa ring Pilipino na nasa hustong gulang ang hindi pa rin protektado dahil sa pagkatakot sa side effects, pagdududa sa vaccine efficacy at kwestiyonableng impormasyon.
Nauna nang sinabi ng OCTA na maaaring pumalo sa 2,000 ang bagong kaso kahapon, Disyembre 30 kung karamihan sa mga ito ay mula sa Metro Manila.
Facebook Comments