Pagpapatupad ng lockdown sakaling makapasok ang Omicron variant ng COVID-19, hindi nakikita ng OCTA

Hindi nakikita ng OCTA research team na magpapatupad muli ng lockdown sa Pilipinas sakaling makapasok ang Omicron variant ng COVID-19.

Sa kabila ito ng unang ibinabala ng OCTA at Department of Health (DOH) na posibleng mauwi sa COVID-19 surge ang kaso sa bansa, sakaling makapasok ang bagong variant.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, imbes na lockdown ay mas mabuting maghipit na lamang kaunti ang pamahalaan at bawasan ang mga capacity sa mga establisyemento.


Malaking factor din ang malaking bilang ng mga nabakunahan sa bansa upang hindi lumala ang sitwasyon.

Nabatid na mild at asymptomatic ang karaniwang epekto ng Omicron variant na kayang makapanghawa ng hanggang sampung katao.

Sa ngayon, umabot na sa 63 mga bansa sa buong mundo ang napasok na ng Omicron variant ng COVID-19.

Facebook Comments