Ikalawang bahagi ng National Vaccination Days, magsisimula na ngayong araw!

Aarangkada na ngayong araw ang ikalawang bahagi ng National Vaccination Days na magaganap hanggang sa Biyernes, December 17.

Ayon kay acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, mananatili ang target na pitong milyong second dose na ituturok sa National Vaccination Days.

Hindi naman magbabago ang target na bilang na mabakunahan sa ikalawang yugto kahit pa ilang lugar ang apektado ng Bagyong Odette.


Una nang inanunsyo ng pamahalaan na sa December 20 hanggang 22 na lamang idaraos ang vaccination days sa Visayas, Mindanao, Region 4-B, at Region 5.

Ngayong araw, magtutungo sa ilang bayan sa Region 3 at 4-A ang ilang opisyal ng National Task Force Against COVID-19 upang personal na tignan ang gagawing bakunahan sa mga nasabing lugar.

Facebook Comments