Pagpapatupad ng mahigpit na quarantine restrictions dahil sa Delta variant, pinag-iisipan ni Pangulong Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring magpatupad muli ang pamahalaan ng mahigpit na restrictions kapag kumalat ng tuluyan sa bansa ang mas nakakahawang Delta variant.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, binanggit ni Pangulong Duterte na dapat lamang na ikabahala ang Delta variant dahil mas agresibo, malala, at makamandag ito.

Iginiit ng pangulo na dapat maiwasan ang mass gathering at iba pang super-spreader events.


Inihalimbawa pa ni Pangulong Duterte ang South Korea, Taiwan, United Kingdom at Indonesia na sa kabila ng maayos na pandemic response, kinailangan nilang magpatupad ng panibagong lockdown dahil sa Delta variant.

Inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na mahigpit na ipatupad ang mga kasalukuyang protocols

Facebook Comments