Aabot sa 16 Bilyong piso ang kakailanganing pondo ng pamahalaan para sa Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa mga Senior High School.
Ayon kay PBA Party-List Rep. Jericho Nograles, nasa 4 na Milyong Grade 11 at Grade 12 Senior High School Students ang maaapektuhan ng Mandatory ROTC.
Aniya, kailangan ng mga mag-aaral ng maayos na sinturon, uniporme, at iba pang kagamitan sa nasabing training.
Tinatayang nagkakahalaga ng P4,000 ang bawat uniporme para sa isang estudyante.
Iginiit din niya ang kahalagahan ng Mandatory ROTC dahil hindi sapat ang nasa 70,000 Reserves at 120,000 na active na sundalo para depensahan ang Pilipinas.
Si Nograles ay ang nagpanukala sa Kamara na gawing Mandatory ang ROTC para sa mga Senior High Students sa pampubliko at pribadong paaralan.