Dating hukom na humawak sa kaso ni dating Calauan Mayor Sanchez, inaming tinangkay siyang suhulan  

Ibinunyag ng hukom na nagpataw ng sentensya kay convicted murderer-rapist na si Antonio Sanchez na tinangka siyang bayaran para mapawalang sala ang dating alkalde.

Ayon kay dating Pasig Regional Trial Court Judge Harriet Demetriou, may lumapit sa kanya na kinatawan ni Sanchez noong siya pa ang humahawak ng rape at murder cases nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Pinayuhan siya ng lumapit na mag-abroad at tanggapin ang alok na 30 Milyong pisong suhol kapalit ng pagbasura sa mga kaso.


Pero hindi nagpatinag si Demetriou at hindi tinanggap ang lagay.

Iginiit din ng dating Hukom na ang planong pagpapalaya kay Sanchez dahil sa Good Conduct ay kalapastangan sa hustisya at hindi magandang biro.

Facebook Comments