Pagpapatupad ng mas mahigpit na community quarantine sa NCR, nakadepende sa datos – Palasyo

Nakasalalay sa available na data kung magpapatupad ang pamahalaan ng mas istrikong community quarantine sa National Capital Region (NCR).

Ito’y matapos na magbabala ang OCTA Research Team hinggil sa posibling ‘significant surge’ ng COVID-19 cases sa NCR sa susunod na ilang linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, susuriin ng pamahalaan ang data sa two-week attack rate at critical care capacity.


Aniya, hindi na maaaring sisihin ang mga taong hindi nag-observe ng social distancing noong panahon ng Pasko, Bagong Taon at Traslacion.

Sa kabila nito, kumpiyansa si Roque na matutugunan ng healthcare system sa bansa ang sitwasyon.

Batay sa OCTA Research Team, ang “super spreader” events gaya ng Feast of the Black Nazarene ay puwedeng makapag-ambag sa posibilidad ng pagtaas ng kaso ng nasabing virus.

Dahil dito, hinikayat ng OCTA ang pamahalaan na taasan at dagdagan ang testing, contact tracing, palakasin ang kapasidad ng healthcare system para sa paghahanda ng potential outbreaks, bilisan ang pagbili ng ligtas at epektibong COVID-19 vaccines at maayos na i-rollout ang immunization program.

Facebook Comments