
Iminungkahi ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte sa Department of Agriculture (DA) ang pagkakasa ng mas mahusay na version ng Masagana Program 99 na ipinatupad noon sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Naniniwala si Villafuerte na daan ito para maisakatuparan sa buong bansa ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ₱20 kada kilo ng bigas na ngayon ay naibebenta pa lamang sa Visayas region.
Sa suhesyon ni Villafuerte ay pagkakalooban ng ₱40,000 per hectare na tulong ang ating mga magsasaka para sa inisyal na pagtatanim ng palay sa kabuuang isang milyong ektarya sa nangungunang 10 palay-producing provinces sa Pilipinas.
Sa pagtaya ni Villafuerte, magbubunga ito ng aabot sa 5 milyong metriko tonelada ng palay na aanihin ng ating mga magsasaka.
Sabi ni Villafuerte, 1.5 billion kilograms ng bigas mula dito ay maaaring ibenta ng ₱20 per kilo at ₱30 per kilo naman sa matitira pang 1.5 billion kilograms.









