Mahigit 100,000 indibidwal apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan

Umabot na sa 26,068 pamilya o katumbas ng 115,609 indibidwal ang apektado ng nagpapatuloy na paga-alburoto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) karamihan sa mga apektadong residente ay nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan.

Bilang tugon, agad na nakapaghatid ng tulong ang OCD Region V at Department of Social Welfare and Development- Bicol sa mga apektado.

Ilan sa mga naipamahagi ay N95 masks, hygiene kits, gayundin ang food at non-food items.

Samantala, nasa halos P1-M ang iniwang pinsala ng pag-aalburoto ng Bulusan sa sektor ng agrikultura kung saan 33 magsasaka ang apektado ang kabuhayan.

Patuloy naman ang paalala ng Office of Civil Defense sa publiko na manatiling alerto, iwasan ang paglapit sa loob ng 4-kilometer permanent danger zone, at makinig lamang sa mga opisyal na abiso mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Facebook Comments