Dinipensahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paglalagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Metro Manila at ilang lalawigan sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang ekonomiya ng bansa ay nasa kritikal na estado dahil kailangan muling isara ang ilang mga negosyo.
Mas nakatuon ang pamahalaan sa pagtugon sa medical issues.
Batid ng pamahalaan ang mga manggagawang na nasa ilalim ng “no work, no pay” scheme pero kailangan aniyang gawin ng Pangulo na ipatupad ang MECQ dahil na rin sa lumolobong COVID-19 cases.
Ang pahayag ni Malaya ay kasunod ng reklamo ng ilan na magdudusa ang bansa sa pagbagsak ng ekonomiya dahil sa pagpapatupad ng MECQ.
Facebook Comments