Pagpapatupad Ng Mga Programa Sa Mga Komunidad, Isinusulong Ni Lp Standard Bearer Mar Roxas

18

MANILA – Muling pinatunayan ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas ang kanyang panuntunan na walang maiiwan sa pagtahak ng daang matuwid.Ito ang ipinamalas ni Roxas sa kanyang pagkampanya sa maliit na isla ng Guimaras kung saan mayroon lamang isandaang-libong (100,000) botante.Sa isang interview sa Guimaras Provincial Gym, ipinaliwanag ni Roxas na hindi lamang botante ang tingin niya sa mga taga-Guimaras kundi tao na may mga pangarap.Ito ang palaging sinasabi ni Roxas sa pagpapatupad ng mga programa sa mga komunidad noong kalihim pa ito ng DILG.Ikinatuwa naman ni Roxas ang mainit sa pagtanggap at suporta sa kanila ng mga taga-Guimaras na aniya’y mas matamis pa sa produkto nilang mangga.Anya ang mga taga-Guimaras ang patunay ng kaginhawaang naihatid ng daang matuwid gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’S), Philhealth, imprastraktura, patubig at tulay.

Facebook Comments