Pagpapatupad ng National ID, mapipigilan ang anumang fraudulent activities

Naniniwala ang Malacañang na mapipigilan ang anumang fraudulent transactions lalo na sa healthcare system kapag ipinatupad ang national identification system.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagkakaroon ng National ID ay makatutulong sa pagberipika ng medical claims na inihain sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Mapapabilis aniya nito ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.


Nabatid na plano ng pamahalaan na maiparehisto sa national ID system ang nasa limang milyong Pilipino ngayong taon subalit sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na malabo itong maabot dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng 2021 national budget proposal, naglaan si Pangulong Rodrigo Duterte ng ₱4.1 billion para sa pagpapatupad ng Philippine ID.

Facebook Comments