Pagpapatupad ng Nat’l Program on Family Planning, aprubado na

Manila, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang full roll-out ng implementation plan para sa National Program on Family Planning sa bansa.

Layunin nitong matugunan ang tinatayang apat na milyong unintended pregnancies at dalawang milyong kaso ng abortion sa susunod na apat na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – layunin ng plano na bigyan ng access ang nasa 11.3 million na kababaihan sa epektibo at modernong contraceptives.


Makatutulong din ito para mababa ang poverty incidence sa bansa, na kasalukuyang may pinakamataas na fertility rate at fastest growing population sa ASEAN Region, mula sa kasalukuyang 20% pababa sa 14% sa 2022.

Facebook Comments