Manila, Philippines – Tuloy ang pagpapatupad ng number coding ngayong araw.
Ito ang tugon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa tanong ng ilang motorista kung hindi ba sususpendihin ang number coding kasunod ng class suspension sa halos buong Metro Manila.
Dahil na rin ito sa pagpasok ng bagyong Gardo sa bansa.
Matatandaang kagabi pa lang, nagsuspinde na ng klase ang mga lokal na pamahalaan maliban sa Makati, Pasig at Quezon City.
Facebook Comments