Pinaigting pa ng gobyerno ang implementasyon ng ‘Oplan Biyaheng Ayos’ habang papalapit ang Bagong Taon.
Sa katunayan, sinabi ni Lieutenant Junior Grade Jherich John Ybañez, Assistant Spokesperson ng Philippine Coast Guard Public Affairs, na nakapag-inspect na sila ng 347 vessels at 119 motor bancas.
Ayon pa kay Ybañez na nakaantabay 24/7 ang kanilang mga tauhan sa 15 coast guard districts para sa kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.
Naka-heightened alert aniya ang PCG ngayong Holiday season o hanggang Enero 3.
Kasabay nito, nagpaalala rin ang opisyal sa publiko na bumiyahe nang maaga para maiwasan ang sobrang habang pila sa mga pantalan.
Facebook Comments