MANILA – Pansamantalang ipinatigil ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang oplan tokhang at drug operations habang nililinis ang hanay ng pulisya.Alinsunod na rin ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.Bukod dito, binuwag na rin ang unit ng PNP anti-Illegal Drugs Group (AIDG).Sa nasabing unit, kabilang dito ang mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo.Ang Philippine Drug Enforcement Agency na muna ang mangunguna sa operasyon laban sa ilegal na droga.Aniya, magkakaroon muna sila ng internal cleansing o paglilinis sa kanilang hanay na tatawaging “war on scalawags”.Pero nilinaw naman ni Dela Rosa na hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang giyera laban sa iligal na droga.Sa katunayan aniya, pinalawig pa ito mismo ni Pangulong Duterte hanggang sa 2022 kasabay ng pagtatapos ng kanyang termino.
Pagpapatupad Ng Oplan Tokhang, Itinigil Na Ng Pnp… War On Scalawags, Sunod Na Tutukan – Pero, Kampanya Ng Gobyerno Laban
Facebook Comments