Imbestigasyon Sa Kaso Ng Siyam Na Pulis Na Nasasangkot Sa Pagtatanim Ng Ilegal Na Droga, Aarangkada Na

15

MANILA – Aarangkada na ang imbestigasyon sa kaso ng siyam na pulis na nasasangkot sa pagtatanim ng ilegal na droga sa isang operasyon nito sa Metro Manila noong October 2016.Itinalaga ni PNP Internal Affairs Service (AIS) Insp/Gen. Alfegar Triambulo, bilang pinuno ng binuong investigating panel si IAS Deputy Insp/Gen. Leo Leuterio.Ayon kay Triambulo, layunin nitong mapabilis ang mga kasong administratibo na isasampa laban sa siyam na pulis.Nasa Police Holding and Administration Unit (PHAU) ng camp crame ang mga sangkot na pulis.

Facebook Comments