Pagpapatupad ng programa kontra COVID-19, dapat bilisan

Nagpahayag ng suporta si Sen. Joel Villanueva sa pagtalakay tungkol sa panukalang Bayanihan 3 na maglalaan ng P420 bilyon para sa mga apektado ng COVID-19 crisis sa bansa.

Ngunit giit ni Villanueva, dapat ay tutukan din ng pamahalaan ang maayos at mabilis na implementasyon ng mga kasalukuyang programa laban sa pandemya tulad ng pagbabakuna.

Binanggit ni Villanueva na ang kabuuang pondo na inilaan sa Bayanihan 2 ay P165.6 billion kung saan halos kalahati lamang o P77.5 bilyon ang obligated at halos P38 billion pa lamang ang nagagastos.


Kaya naman punto ni Villanueva, bago sana pag-usapan na maglaan muli ng pondo ay siguraduhin muna na nagamit para sa ating mga kababayan ang pondong para sa kanila.

Facebook Comments