Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan na huwag i-asa lamang sa pagpapatupad ng quarantine ang pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.
Diin ni Hontiveos, magtatagumpay lang ang quarantine kung sasabayan ito ng mass testing, contact tracing, active case finding, isolation at treatment.
Sang-ayon si Hontiveros na mahalagang balansehin ang kapakanan ng ekonomiya at buhay ng mamamayan kaya dapat ay isabay sa quarantine ang iba pang kailangang hakbang laban sa COVID-19.
Pahayag ito ni Hontiveros sa harap ng pag-antabay kung papalawigin pa ni Pangulomg Rodrigo Duterte ang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) at ibang lugar na mataas ang COVID-19 cases.
Facebook Comments