
Inatasan ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga paaralan na agad magpatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng monkeypox (Mpox).
Tinukoy ni Gatchalian ang mahigpit na pagpapatupad sa mga paaralan ng tamang paghuhugas ng kamay at respiratory etiquette, o ang wastong pagtakip ng bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing.
Dapat din aniyang tiyakin ang pagkakaroon ng sapat na handwashing stations sa mga pasilidad ng paaralan.
Binigyang-diin din ng senador ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa monkeypox.
Kinakailangan anyang bantayan ang kalusugan ng mga empleyado ng paaralan at panatilihin ang maayos na koordinasyon sa mga health facility.
Facebook Comments









